Friday, October 19, 2018

MGA TAMPOK NA MGA PAGKAIN SA PILIPINAS



Tayong mga pilipino ay likas na sa atin ang pagkahilig sa pagkain. May okasyon man o wala, mahilig din tayong pumunta sa iba’t-ibang lugar para maranasan ang iba’t-ibang klase ng pagkain na pinagmamalaki ng ating bansa. Narito ang limang lugar na pinagmamalaki ang kanilang mga produkto na isa sa mga sikat at dinarayo ng mga turista dito sa ating bansa.





 Strawberry Jam ng Baguio

           Ang strawberry Jam ay isa sa mga sikat na produkto ng baguio dahil masarap ito at pwede din itong gawing palaman sa tinapay. Sagana din ang baguio ng strawberries dahil sa malamig nitong klima kaya dinarayo ng mga turista. Ang strawberry jam ay gawa sa mga sariwang strawberries galling sa taniman ng Trinidad Valley na isa sa mga sikat na lugar ng Baguio.





Durian ng Davao

          Ito ang madalas na dinarayo ng mga turista dahil sa likas nitong sarap. Ang Davao ay tinatawag na “Durian Capital Of the Philippines”. Ipinagmamalaki ng mga dabawenyo ang iba’t-ibang klase ng mga durian at lalong-lalo na ang mga produktong gawa sa durian. Marami ang mga produktong dabawenyo pero ang durian ang pinakasikat, dahil dito nakikilala ang Davao.



                          
Tuba ng Abuyog, Leyte

        Ang Abuyognon ay ipinagmamalaki ang kanilang Tuba. Ang tuba ay gawa sa katas ng puno ng niyog at kahoy na pula na tinatawag na barok kung sa ABUYOG. Ang barok ang nagpapakulay sa tuba. Sa Abuyog hindi kompleto ang opkasyon kapag walang tuba, kaya parti na ito sa mga Abuyognon.












Lechon ng Cebu

      Bukod sa mga magagandang tanawin at pook-pasyalan sa Cebu, ito rin ay may maraming napakagandang produkto. Na kung saan dinarayo ng mga turista dahil sa kalidad nito. Ang pangunahing produkto ay Lechon Cebu, hindi kumpleto ang iyong pagpunta sa Cebu kung hindi mo matitikman ang ipinagmamalaki nila. Bukod sa malutong nitong balat, isa sa pinakatatagong sikretong pamapalasa na inilagay sa tiyan ng baboy habang nile-lechon.



Bicol Express ng Bicol

         Ito ang pinakatanyag na pagkain sa rehiyon na kilalang-kilala sa iba’t-ibang bahagi ng ating bansa. Ito ay laman ng baboy na hinahango sa gata na nilalahukan ng sili at pampa-anghang.







                Iyan ang mga limang tampok at kilalang mga produktong gawang pinoy. Halina kayo, sumama, tuklasin ang iba pang pinagmamalaking yamang produkto ng Pilipino.

No comments:

Post a Comment