Tayong mga pilipino ay likas na sa atin ang pagkahilig sa pagkain. May
okasyon man o wala, mahilig din tayong pumunta sa iba’t-ibang lugar para
maranasan ang iba’t-ibang klase ng pagkain na pinagmamalaki ng ating bansa.
Narito ang limang lugar na pinagmamalaki ang kanilang mga produkto na isa sa
mga sikat at dinarayo ng mga turista dito sa ating bansa.
Strawberry Jam ng Baguio
Ang
strawberry Jam ay isa sa mga sikat na produkto ng baguio dahil masarap ito at
pwede din itong gawing palaman sa tinapay. Sagana din ang baguio ng
strawberries dahil sa malamig nitong klima kaya dinarayo ng mga turista. Ang
strawberry jam ay gawa sa mga sariwang strawberries galling sa taniman ng
Trinidad Valley na isa sa mga sikat na lugar ng Baguio.
Durian ng Davao
Ito
ang madalas na dinarayo ng mga turista dahil sa likas nitong sarap. Ang Davao
ay tinatawag na “Durian Capital Of the Philippines”. Ipinagmamalaki ng mga
dabawenyo ang iba’t-ibang klase ng mga durian at lalong-lalo na ang mga
produktong gawa sa durian. Marami ang mga produktong dabawenyo pero ang durian
ang pinakasikat, dahil dito nakikilala ang Davao.
Tuba
ng Abuyog, Leyte
Ang
Abuyognon ay ipinagmamalaki ang kanilang Tuba. Ang tuba ay gawa sa katas ng
puno ng niyog at kahoy na pula na tinatawag na barok kung sa ABUYOG. Ang barok
ang nagpapakulay sa tuba. Sa Abuyog hindi kompleto ang opkasyon kapag walang
tuba, kaya parti na ito sa mga Abuyognon.
Bukod
sa mga magagandang tanawin at pook-pasyalan sa Cebu, ito rin ay may maraming
napakagandang produkto. Na kung saan dinarayo ng mga turista dahil sa kalidad
nito. Ang pangunahing produkto ay Lechon Cebu, hindi kumpleto ang iyong
pagpunta sa Cebu kung hindi mo matitikman ang ipinagmamalaki nila. Bukod sa
malutong nitong balat, isa sa pinakatatagong sikretong pamapalasa na inilagay
sa tiyan ng baboy habang nile-lechon.
Bicol Express ng
Bicol
Ito ang
pinakatanyag na pagkain sa rehiyon na kilalang-kilala sa iba’t-ibang bahagi ng
ating bansa. Ito ay laman ng baboy na hinahango sa gata na nilalahukan ng sili
at pampa-anghang.
Iyan ang mga limang tampok at kilalang mga
produktong gawang pinoy. Halina kayo, sumama, tuklasin ang iba pang
pinagmamalaking yamang produkto ng Pilipino.